Madami ang nagrereklamo kung bakit ang Trisquel GNU/Linux ay di gumagana sa kanilang laptop, o di nila mapanood o malaro ang mga Flash sites nila. Dapat ang sabihin nila, ang may gawa ng laptop nila o website ay hindi sumusuporta sa Malayang Software.
… na sana’y magbago sa Filipinas. Pag ito’y natuloy maraming mga Senador at Congressman ang makukulong ng matagal.
Kung may bibilhin o tatangkilikin ka, dapat pag-isipan mo kung ano ang epekto nito sa kapanghalatan. Hindi lahat ng mura ay dapat tangkilikin; isa rito ay ang sinasabing Ukay-Ukay. Ito ay ang mga maliliit na tindahan na nagbebenta ng mg suutin at gamit na galing sa iba’t ibang bansa. Ang epekto nito ay malaki at negatibo pareho sa mga local na mangangalakal at mga mahihirap.
Nung una tong lumabas natuwa ako dahil lahat ng bagay dito ay galing sa ibang bansa pero napakamura. Ang isang sapatos na orihinal na Nike ay masmababa pa sa limang daang piso, ang isang orihinal na Addidas na damit ay bente lang! Hindi ako makapaniwala at ako’y napabili. Hindi surpresa na madaming namiili sa lugar na iyon.
Nagtaka ako kung saan galing ang mga bagay na iyon at nalaman ko na ito pala’y mga donasyon na galing sa ibang bansa para sa mga taong nasalanta ng mga bagyo, lindol, matinding kahirapan, at iba pang sakuna. Ninakaw ang ibang kahon at pinadala sa mga tindahan para ipagbenta ng napakamura.
Oo, ito’y binigay ng libre, para sa mga taong walang kakayahang bumili ng sariling gamit. Pero, ito sila pipnagbebenta sa mga taong merong kakayahang bumili ng bagong damit kung gusto nila! Kung meron mang magsasabi na meron ding mahihirap na bumibili, aba’y dapat ito’y libre na ibigay sa kanila!
Marami ring naluging mga lokal na gumagawa at nagbebenta ng damit dahil hindi nila matapatan ang baba ng presyo at orihinal na imported na mga damit at gamit.
Suportahan natin ang mga lokal na mangangalakal at palakasin pa natin ito!
Ito ang nag-udyok sa akin na bilhin at gamitin ang Pilipinong bagay, wika, at serbisyo. Ang nakakatuwa dito ay si Dylan Wilk ay isang Briton na naniniwala sa kakayahan ng Pilipino.
Dylan Wilk ng Human Heart Nature
Ito na.
Kalayaan para magsulat at maipamahagi ang nasa loobin ko. Pero ano nga ba ang masasabi o maisusulat ng isang taong di naman sigurado kung paano ang magiging tema ng blog na ito? Mas maganda siguro kung mag-uumpisa tayo kung galing saan yung pangalan ng blog: Maamong Sibuyo. Nanggaling ito sa salitang Ingles na Gentle Passion na nabasa ko sa librong Murphy ni Samuel Beckett. Hindi ko na i-iikspleka kung ano ang ibig sabihin noon, pero mas maganda na bilhin at basahin nyo lang.
Tungkol naman sa pseudonym ko: Timawa. Ito nama’y tungkol sa mga Timawa ng Visayas nung bago pa dumating ang mga Kastila. Sila’y natanyagang mga magagaling at matatapang na mandirigma. Kaya lang nung dumating at nanalo ang mga banyaga, nag-iba ang ibig sabihin ng Timawa: ito’y naging “malayang tao”. Dito ko na naisipan na gamitin itong handle dahil gusto kong maging malaya ang lahat. Kaya lang ang kalayaan na ito’y merong kapalit–ang responsibilidad na itaguyod at panatilihin ang pinaghirapang kalayaan.
Marami na akong naging blog dati, pero ngayon lang ako nag desisyon na mag sulat sa Filipino. Hindi naman sa di ko kayang mag sulat sa Ingles, pero naniniwala ako na mas importante na maintindihan ako ng isang Pinoy kahit saan at ano mang gulang, basta’t marunong syang magbasa, para sa ganun, walang magkakamali sa interpretasyon masyado.
Ayun, tapos na.