Kung may bibilhin o tatangkilikin ka, dapat pag-isipan mo kung ano ang epekto nito sa kapanghalatan. Hindi lahat ng mura ay dapat tangkilikin; isa rito ay ang sinasabing Ukay-Ukay. Ito ay ang mga maliliit na tindahan na nagbebenta ng mg suutin at gamit na galing sa iba’t ibang bansa. Ang epekto nito ay malaki at negatibo pareho sa mga local na mangangalakal at mga mahihirap.
Nung una tong lumabas natuwa ako dahil lahat ng bagay dito ay galing sa ibang bansa pero napakamura. Ang isang sapatos na orihinal na Nike ay masmababa pa sa limang daang piso, ang isang orihinal na Addidas na damit ay bente lang! Hindi ako makapaniwala at ako’y napabili. Hindi surpresa na madaming namiili sa lugar na iyon.
Nagtaka ako kung saan galing ang mga bagay na iyon at nalaman ko na ito pala’y mga donasyon na galing sa ibang bansa para sa mga taong nasalanta ng mga bagyo, lindol, matinding kahirapan, at iba pang sakuna. Ninakaw ang ibang kahon at pinadala sa mga tindahan para ipagbenta ng napakamura.
Oo, ito’y binigay ng libre, para sa mga taong walang kakayahang bumili ng sariling gamit. Pero, ito sila pipnagbebenta sa mga taong merong kakayahang bumili ng bagong damit kung gusto nila! Kung meron mang magsasabi na meron ding mahihirap na bumibili, aba’y dapat ito’y libre na ibigay sa kanila!
Marami ring naluging mga lokal na gumagawa at nagbebenta ng damit dahil hindi nila matapatan ang baba ng presyo at orihinal na imported na mga damit at gamit.
Suportahan natin ang mga lokal na mangangalakal at palakasin pa natin ito!